Rule not my mind. Thine own is thine mind. Rule thou it.




Tuesday, May 24, 2011

De-uling




paulit ulit

ang pagpindot

ang pag hihintay

sa pabalik balik

mong inikot

tuldok

tuldok

tuldok...

may uling

ang utak ng makina

na siyang kataas taas

ng halaga


binayaran kang

kalahati

ng kalahati ng libo

at sa pag-pasok

sa iyo'y

mas malaki ang perwisyo

aba't ang presyo ng uling ay

ganito ninenegosyo?


Bitin-

napatutulala

nayayamot

nakasisira ng umaga


ang iyong silbi'y magpadali

ng sistema

ngunit de-uling

at nais na kitang

ikundena, at idemanda.

bow.
Ito ang mga panahong nagtutuos kami ni PUP.EDU.PH  (S.I.S)  para makapag enroll.
!@$#&*#%)@!&#%)_@@##$#$@!# matapos ka na please? kahapon ka pa ha.

:)) la lang.


No comments:

Post a Comment