Isang pasimple at mapagtagong porma ng paninikil.
Tipong wala kang ibang magagawa...
wala kang options... wala kang magagawa... wala rin akong magagawa.
'tipong ganu'n.
Modus Bente Singko Operandi-
Ito ay makabagong pang uuto at pangungupit.
Bumili ako sa isang establishment: ang halaga ng nabili ko ay P49.15, at ibinayad ko ang isang daang piso (P100). Mahaba-haba ang pila at mabilis ang pangyayari sapagkat madaling kumilos ang kahera. Ibinalot ang binili ko, idinikit ang resibo, ibinigay saakin ang sukling singkwenta pesos at hinarap na ang susunod na kostumer.
Teka. Singkwenta ang aking sukli? tahimik kong tanong sa sarili ko. Singkwenta lang?
Hindi na ba kapansin pansin ang halaga ng 85 centavos? o kaya'y kahit 75 cents lang?
Palibhasa'y binubulag tayo ng kababaang halaga ng piso kaya'y nawawalan na ng halaga ang bente singko.
Ngunit laking tuwa ng mga kapitalista ang ganitong modus na kunwari'y wala na silang bentesingko sa drawer na isusukli! Hindi lamang isang beses nangyari saakin ito. At sigurado, hindi lamang saakin nangyari. At marami pang ganitong pangyayari ang magaganap.
Sasabihin ng kahera: "Ma'am, kulang ho ako ng seventy five cents." o di kaya'y "Sir, kulang ho ako ng beinte-singko" at dahil sa pag-aapurang udyok ng sitwasyo'y oo na lamang ang ang sambit mo upang makaalis na.
Laking tuwa ito ng nakatatanggap sa usaping pera! Sa isang daang kostumer niya sa isang araw na bawat isa'y may kulang na beinte-singko (o ilang singko pa man) ay may twenty five (25) pesos siya sa kada araw na galing sa pasimpleng paninikil, o mas malaki pa! At sa isang linggo ay may 150 (o mahigit pa) siyang dagdag kita na wala man lang nababawas sa kanyang produkto!
Nagugulangan ka!
Sabihin man nating:
"Sus. Wag nang magdamot at ipaubaya na iyan sakanila. Beinte-singko lang naman..."
lang naman. lang naman.Beinte-singko LANG NAMAN.
Maaaring dahilan ngunit hindi ko gagamiting dahilan ang katotohanang ang pinagsama-samang beinte-singko ay katumbas ng libo o milyong piso.
Ngunit masasabi ko na lamang na noon:
Noon kasi mayroong donation box sa gilid ng cashier
na kung kaya mo at kung gusto mo ay maaari kang maghulog nang bukal sa puso upang makatulong sa may kapansanan o naghihirap.
Lumipas ang panahon ay pinalitan ito ng tip box na ang pakinabang sa bawat hulog ay pang miryenda ng mga staff at cashier attendant.
Hanggang sa mawala na ang mga box-box na 'yon sa mga cashier post at awtomatik na:
"kulang po ako ng beinte singko, fifty cents, seventy-five, sir...."
Lalabas kaya ang totoo na mayroon naman pala silang barya? Na pangingitil lamang ang kunwari'y wala? Magugulat kaya sila? Iisipin ba nilang "kuripot" ang pagiging marunong sa pera at umiiwas sa pasimpleng beinte singkong modus operandi nila?
:-)

PAANO KAYA kung sabihin kong: " Ah. Kulang ba... Sige Ok, di naman ako nagmamadali. Hintayin ko na lang dito hanggang mapunan mo yung kulang..."