Rule not my mind. Thine own is thine mind. Rule thou it.




Thursday, March 24, 2011

HILONG- TALILONG

Tula-tulaan :-) Alam kong paminsan lamang ako sumulat ng mga entry gamit ang wikang Filipino, (lalo na ang wikang tagalog) ngunit heto, isang entry na ginawa ko habang tulala sa kawalan noong kakain ako sa makdo. Heto, pag tiisan ninyo. 


Sa ligalig na taglay ng puso
pusturang-pustura sa masusulyap ko
nangangapa, apuhap sa milagro
kapares ng isang musmos na henyo
nakatukod sa kwebang layu-layo


May udyok ng bighani
may pag limot na balani
paghinto at dili-dili
pagpikit, pagtalikod at pagkukunwari
sa isang igtad, giba ang sayo'y guni guni


May pag kunot sa noo
at sa dibdib ay pag paso
dulot ng lagablab ng pagkahumaling sa'yo
isang pinong saklolo
pampawi ng pagkahilo
sa paghihingalong dulot mo


Tuloy-tuloy ang urong-sulong
umupo't-pumukaw sa alulong
ng isang asong nakakulong
hiling niya'y kalayaan,
hiling ko'y makasama mo.


Kung sa isang enigma'y aking maaalis,
iyong emosyong niig sa giid,
Antala man ng iyong gayuma...


...mawawala sa timbre ng kawangis na bula
Ngunit, alanganin sa sakbat mong saakin ay tuwa.

7 comments:

  1. ang galing.. pinapahanga mo ako :)

    -tagasosyo

    ReplyDelete
  2. di ako sigurado kung ano talaga ang gusto mong iparating dito sa iyong sinulat.
    ngunit habang binabasa ko itong iyong tula ay may ilan akong napapansin bukod sa kagandahan ng pagkakasulat mo sa tulang ito. ayon sa aking interpretasyon, itong tula na ito ay mukhang inilaan mo para sa isang tao. isang tao na sa aking palagay ay iyong minamahal o hinahangaan. pansin ko itong tulang ito ay paglalahad mo ng iyong mga naiisip o nararamdaman para sa taong iyon.

    sa kabuuan, maganda ang ginawa mong tula. maganda ang pagkakalahad, maganda ang istraktura, kahanga hanga.

    -J

    ReplyDelete
  3. Ay. nakalimutan kong ipost sa baba, tulad ng dati, hindi pa rin ito dedicated sa kung sino. Pero kung naaappreciate ninyo, sainyo ko na lamang isasangguning tanggapin ninyong inyo iyan :D

    Tagasosyo: Thank Yew pfouhz. Jejeje :}

    J: Salamat. Hindi ko talaga alam kung ano ang kalalabasan ng tula o kung anong magiging mensahe nito o kung may kabuluhan ba itong tataglayin. Sumulat lang ako. Kahit anong pumasok sa isip. :)

    Sana Ok lang. Hehehehe!

    ReplyDelete
  4. alam mo, hanggang ngayon di pa rin ako kumbinsido na sumulat ka lang base sa kung ano lang ang pumasok sa isip mo. di rin kapani paniwala na sinulat mo ito nang hindi mo alam kung ano ang kalalabasan.sa aking pagkakaalam ay palaging may nagtutulak sa isang manunulat para makagawa sya ng isang sulatin. naniniwala ako na meron pa ding nagtulak sa iyo para makapagsulat at maipost itong sulatin na ito. di ako sigurado kung napapansin mo, ikaw lang din kasi ang nakakaalam nun. hehe.

    ReplyDelete
  5. isa pa, bakit mo ito ipupublish kung sa tingin mo ay wala naman itong kabuluhan? hehe. nagtatanong lang..

    -J

    ReplyDelete
  6. Siguro sa sulok ng subconscious ko, mayroon ngang inspirasyon. Siguro hindi ko alam kasi duwag akong alamin. Siguro tinatamad lang akong alamin. Siguro hindi ka pa rin maniniwala. Ewan ko.
    "sa aking pagkakaalam ay palaging may nagtutulak sa isang manunulat para makagawa sya ng isang sulatin."
    Siguro iba akong klase ng manunulat. Siguro lang :)

    ReplyDelete
  7. hmmm.. ikaw lang din ang nakakaalam nyan.
    kung di naman, nasasayo pa rin yan. kung aalamin mo ba o hindi. :)

    -J

    ReplyDelete