Galit ka ba sa mundo?-- tanong ko sa sarili ko isang araw. Napa-"uh-oh" na lang ako dahil baliw ba yung ganu'n? Kasi ang weird ko yata. Halos wala akong gustong tangkilikin na nag-eexist ngayon. Halos wala akong gustong kausapin. Halos wala akong idol. Halos wala akong pakialam.
Galit ba ako sa mundo? Siguro Oo, weird ako. Siguro Oo, galit ako.
Paano ba naman, ang dami nating alam, hindi naman kailangan; ang dami nating feeling natin ay kailangan, hindi naman natin alam, hindi pala kailangan. Ang dami nating pinoproblema, hindi pala talaga problema.
Ang dami nating gusto, ang dami nating ginagawa, ang dami nating alam, ang dami nating pag-aari at maipagmamalaki! Pero mas madami pa rin... ang walang katuturan.
Ay eto. May ikekwento lang ako. Isang araw kasi, naging college student ako. Hindi ko naman sinasadya pero nag-iba ang environment ko. Sinadya ko man, hindi ko naman ginusto. Pero ganu'n talaga. Maraming bagay ang hindi natin alam ay madami, at lalong dumadami.
Isang araw ulit, nagkakagulo kami kasama ang iba ko pang mga kaklase at namomroblema sa mga rekwayrments sa school na dapat ipasa. Buong gabi akong nag-online. Nagreklamo kami buong gabi. Kesho ang hirap, ang bilis ng deadline, ang stupid, ang nakakatamad, etcetera. Ala una ng umaga hanggang alas tres ng umaga, natapos ko 'yung "problema" ko.
Hay zeus naman. Hindi pala siya problemang talaga. Walang katuturan yung pamomroblema ko, di ba?
Anyway, Politics & Governance nga pala ang paborito kong asignatura. Pero hindi ko siya gusto. Hindi pa ayos ang pulitika natin sa ngayon. Anyway, 'yung professor ko nga pala du'n, ANG GALING! Ang daming sinasabi!
Naalala ko tuloy yung isang "fact" daw kuno na,
Halos isang milyong salita daw ang nakokonsumo o nasasalita ng isang babae sa isang araw. At ang nakokonsumo o nasasalita ng lalaki naman ay kalahati lang ng sa babae.
Ewan ko lang ah. Babae kasi ako. Lalaki kasi 'yung professor ko. At kung totoo yung "fact" daw kuno na 'yun, hm. Ewan ko lang talaga. Sawayin na natin yung fact daw kuno na yun at i-label natin iyon bilang isang "assertion" kuno.
Anyway, balik du'n sa prof ko. Nabanggit niya madalas ang tungkol sa kung gaano karami ang nabasa na niyang libro. Gabundok daw 'yun at kayang punuin ang buong classroom namin. Edi Okay! Di ba? Matalino 'yung propesor! Ang swerte swerte namin!
Akala ko lang 'yun. Sa dami kasi ng sinasabi niya, marami ring mali.
(Parang ang talino ko? Ako alam ko ang tama? O alam ko nga ba?)
Heto. Tunghayan mo ang isa sa isandaang kowteysyon na nakuha ko sa speech niya:
"...the values of our lives are deteriorating. We should just understand the society as it is now. Hindi lahat nakukuha sa tama, minsan, kailangan ng baluktot!"
Sapul.
Naalala ko na naman. Maraming "mature" na tao na ang narinig kong nagsabi na habang bata pa daw, ay punong-puno ng ideal values at idealism ang utak natin. Pero pag pasok mo sa buhay na nagtatrabaho ka na at independent ka na, at "mature ka na", mawawala yang idealism na yan. Sana lang daw talaga wag mawala ang idealism sa amin.
Sana nga.
Konektado dito, ang pag-contradict nito sa "the problems of the youth are..." phrases.
Ang mga kabataan naman pala kasi ang ideal at fresh. At iba na talaga ang depinisyon natin ng mature na tao.
Straight to the tuldok, ang problema ko lang sa prof ko, ay kung bakit sa dami ng alam niya, alam niya ang dapat, alam niya kung ano ang maganda, alam niya kung ano ang nangyayari, alam niya na may problema ang sanlibutan, alam niya ang kaunting sulusyon na maiaambag niya... ay bakit hindi niya isapraktika ang alam niya at, kahit na kakaiba sa gawain ng iba, kahit na iniisip niyang "hindi siya magsusurvive", ay, why not dare to make a change.
Kasi sayang naman 'yung mga alam niya.
Paborito ko pa rin 'yung prof na 'yun. In fact, paborito niya rin ako. Pero hindi ko masasabing gusto ko siya at ang pagiging propesor niya. At alam niya na ipinost ko siya bilang halimbawa dito sa entry ko na ito. Alam niya yan. Ang sitwasyon kasi niya, ay hindi lang sa kanya nag-aapply.
Sa madaming tao yun. At pwede ring, sa buong mundo. Kaya heto, oo. Galit nga yata ako sa mundo.
Galit ako sa mundo. Siguro galit ako sa mundo kasi fresh at may idealism pa ko. Kailan kaya mawawala 'yun at magiging "matured" ako?
hnd ka galit sa mundo, at hindi karin weird..
ReplyDeletesadyang iba na talga ang lipunan kya nagkakaganyan ka.. para saaking pananaw, ang awareness mo sa lipunan ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka... hindi ka galit sa mundo..
sadyang malabo lamang ito at puno na ng liberalistang tao na wala ng sinusunod na iisang katotohanan... bagkus ay sila na ang nagseset ng kanilang mga katotohanan..
masmalawak ang iyong nalalaman sa daloy ng lipunan ngayon kya akala mo galit ka sa mundo pero ang totoo ay galit ka sa systema ng lipunang ginagalawan mo..
kung sa sociological imagination ibabase ang iyong nararansan, hindi lang ikaw ang may problemang ganyan.. masmarami ding taong concern sa lipunan ang nakararanas ng iyong nararamdaman ngaun.. kahit gus2 nila maymabago, 2lad ng isang tren, hindi aandar ang kanilang mga ideas at gus2ng mangyareng na pagbabago kung walang reles na gagawing daanan para ma achieve ang kanilang mga gus2ng manyare..
sa Philippine settings: ang lipunang pilipinas, hindi pa mga moderno, postmodern na kaagad...
kya maraming nagclaclaim na sila ang tama...
-tagasosyo..
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeletehahahahhahahahahahhhaaaha anna!!! Mag english ka na lang!!!!!!!
ReplyDeleteayos lang nman ung tagalog nya a?
ReplyDeletetangkilikin ang sariling atin
-tagasosyo :P
"Straight to the tuldok, ang problema ko lang sa prof ko, ay kung bakit sa dami ng alam niya, alam niya ang dapat, alam niya kung ano ang maganda, alam niya kung ano ang nangyayari, alam niya na may problema ang sanlibutan, alam niya ang kaunting sulusyon na maiaambag niya... ay bakit hindi niya isapraktika ang alam niya at, kahit na kakaiba sa gawain ng iba, kahit na iniisip niyang "hindi siya magsusurvive", ay, why not dare to make a change."
ReplyDeleteMukhang marami na nga syang nabasa, base na rin sa mga kaalaman na ibinabahagi nya at sa mga 'pagyayabang'nya kung gaano na karami ang nabasa nya. Sa totoo lang, nagdududa ako sa propesor mo kung sino man sya. Madami din akong gustong ipunto dito
1. Marami nga syang mga nabasa. Naunawaan ba nya karamihan sa mga ito?
2. Kung naunawaan nya, nasaan ang manipestasyon na naunawaan nga nya ito? Hanggang salita lang ba sya?
3. Ibinabahagi nya sa inyo ang kanyang mga kaalaman. Malaki ang posibilidad na marami dito ay pinaniniwalaan nya. Nasan ang katotohanan sa mga sinasabi nya? Nasa mga salita lamang ba?
Sa ngayon, ito muna ang aking masasabi. Alam ko, wala ako sa lugar na husgahan kung sino man o anuman sya. Hindi ako mapanghusgang tao. Di ko sya huhusgahan kung ano sya gamit ang kung anu anong mga teorya at paniniwala dahil alam ko na ang indibidwal lamang ang may kakayahan at may karapatang humubog kung anuman ang magiging sya. Kaya ayun, ang tanging kaya ko lang gawin ay ang magduda.
-eksistensyal ng philo
:) Kay taga Socio:
ReplyDeleteNatutuwa naman ako iho. Hindi pa ako nag-aaral ng post-modern, then post-modern na pala ang approach ko. Salamat diyan.
:) Kay Eksistensyal ng Philo:
ReplyDeleteAng daming alam. Pero tama yan. Skeptic ka talaga. At dahil dyan, gigisahin lang natin straight sa punto na, hindi 'yung prof ang hinuhusgahan ko. (well, at least not entirely) yung environment and human nature or society in general siguro yung gusto kong i-address.
Salamat na din sa iyong pag dududa. :)
Anonymous:
Mahirap mag tagalog. Filipino yan ginamit ko. Sorry naman a =))
Binibining Anna..
ReplyDelete"sa Philippine settings: ang lipunang pilipinas, hindi pa mga moderno, postmodern na kaagad...
kya maraming nagclaclaim na sila ang tama..."
ma'am, ito po ba yung offendable na nasabi ko?
i didn't mean anything po dyan..
my point po is, sa sobrang dahil sa pa2loy na pagbabago ng lipunan. 2lad ng pagtanggap sa kultura ng ibang nasyon, pagtanggap sa kaht anong idikta ng mga imperyalistang bansa,. nagbabago na ang lipunan at nagiging postmodern ito.. post modern in a point na, wala ng iisang tama.. lahat may bersyon nang pagiging tama..
pero miss.. hnd ko po ibanabato sa iyo yan, hindi ko dn po sinsabi na post modern ang approach mo..
nasabi ko po iyon dahil ayan ang paningin ko sa pangkalahatan, sa buong systema na kinapapalooban ko ngaun..
muli, humihingi ako ng tawad kung naooffend kita sa nasabi ko... wala akong ibang itensyon kundi basahin lamang at kakuhaan ng kaalaman ang iyong nilathalang kaalaman at impormasyon..
humihingi ng iyong wagas na pangunawa,
-TAGASOSYO
WAGAS. :))
ReplyDeleteI'm NOT offended, btw.
wooo.. buti nman kung ganun? :)
ReplyDeletearigato :)
im a fan of yours na ata?
haha :) keep writing..
and i keep reading your writings :)
-tagasosyo
ang dami kong tawa! naaalala ko naman si analyn sayo. mas gagong version nga lang sya.
ReplyDeletePero meron pa rin namang Post Modern na hindi na niniwalang may tama dahil sa hindi pagkakatupad ng ipinangako ng Modernismo.Kung may ganito paniniwala, anu ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng maraming paniniwala ang tao?ang pagmamagaling ng Post Modern na tao o ang hindi pagtupad ng modernong taong ipatupad ang moderno? o hindi kaya ang tao mismo bilang may kakayahang may umalam at sabihin ang alam.
ReplyDeleteAng post modern at modern ay hindi lamang para sa kung anu ang nakikita kundi kung anu nasa kaisipan din.At ang Pilipinas ay halo ng moderno at hindi dahil sa pananatili ng kultura sa bansa.
Ang usapin na pagkakaiba iba ng idiya at pananaw ay hindi dahil sa pag usbong ng Post modern, bagkus isang pangitain ng tao bilang nag iisip na sabihin ang tama para sa kanya base sa kanyang sitwasyon at base sa kanyang panahon.Ang pagkakaroon ng sistema ay hindi mali at hindi rin tama, pero para sa taong hindi nakikita ang sarili sa sitwasyong iyon ay may karapatang tanggapin at sabihin kung anu man ang nararapat sa kanya.