Galit ka ba sa mundo?
-- tanong ko sa sarili ko isang araw. Napa-"
uh-oh" na lang ako dahil baliw ba yung ganu'n? Kasi ang
weird ko yata. Halos wala akong gustong tangkilikin na nag-e
exist ngayon. Halos wala akong gustong kausapin. Halos wala akong
idol. Halos wala akong pakialam.
Galit ba ako sa mundo? Siguro Oo,
weird ako. Siguro Oo, galit ako.
Paano ba naman, ang dami nating alam, hindi naman kailangan; ang dami nating feeling natin ay kailangan, hindi naman natin alam, hindi pala kailangan. Ang dami nating pinoproblema, hindi pala talaga problema.
Ang dami nating gusto, ang dami nating ginagawa, ang dami nating alam, ang dami nating pag-aari at maipagmamalaki! Pero mas madami pa rin... ang walang katuturan.
Ay eto. May ikekwento lang ako. Isang araw kasi, naging college student ako. Hindi ko naman sinasadya pero nag-iba ang environment ko. Sinadya ko man, hindi ko naman ginusto. Pero ganu'n talaga. Maraming bagay ang hindi natin alam ay madami, at lalong dumadami.
Isang araw ulit, nagkakagulo kami kasama ang iba ko pang mga kaklase at namomroblema sa mga rekwayrments sa school na dapat ipasa. Buong gabi akong nag-online. Nagreklamo kami buong gabi. Kesho ang hirap, ang bilis ng deadline, ang
stupid, ang nakakatamad, etcetera. Ala una ng umaga hanggang alas tres ng umaga, natapos ko 'yung "problema" ko.
Hay zeus naman. Hindi pala siya problemang talaga. Walang katuturan yung pamomroblema ko, di ba?
Anyway, Politics & Governance nga pala ang paborito kong asignatura. Pero hindi ko siya gusto. Hindi pa ayos ang pulitika natin sa ngayon. Anyway, 'yung professor ko nga pala du'n, ANG GALING! Ang daming sinasabi!
Naalala ko tuloy yung isang "fact" daw kuno na,
Halos isang milyong salita daw ang nakokonsumo o nasasalita ng isang babae sa isang araw. At ang nakokonsumo o nasasalita ng lalaki naman ay kalahati lang ng sa babae.
Ewan ko lang ah. Babae kasi ako. Lalaki kasi 'yung professor ko. At kung totoo yung "fact" daw kuno na 'yun, hm. Ewan ko lang talaga. Sawayin na natin yung fact daw kuno na yun at i-label natin iyon bilang isang "assertion" kuno.
Anyway, balik du'n sa prof ko. Nabanggit niya madalas ang tungkol sa kung gaano karami ang nabasa na niyang libro. Gabundok daw 'yun at kayang punuin ang buong classroom namin. Edi Okay! Di ba? Matalino 'yung propesor! Ang swerte swerte namin!
Akala ko lang 'yun. Sa dami kasi ng sinasabi niya, marami ring mali.
(Parang ang talino ko? Ako alam ko ang tama? O alam ko nga ba?)
Heto. Tunghayan mo ang isa sa isandaang kowteysyon na nakuha ko sa speech niya:
"...
the values of our lives are deteriorating. We should just understand the society as it is now. Hindi lahat nakukuha sa tama, minsan, kailangan ng baluktot!"
Sapul.
Naalala ko na naman. Maraming "mature" na tao na ang narinig kong nagsabi na habang bata pa daw, ay punong-puno ng ideal values at idealism ang utak natin. Pero pag pasok mo sa buhay na nagtatrabaho ka na at independent ka na, at "mature ka na", mawawala yang idealism na yan. Sana lang daw talaga wag mawala ang idealism sa amin.
Sana nga.
Konektado dito, ang pag-contradict nito sa "the problems of the youth are..." phrases.
Ang mga kabataan naman pala kasi ang ideal at fresh. At iba na talaga ang depinisyon natin ng mature na tao.
Straight to the tuldok, ang problema ko lang sa prof ko, ay kung bakit sa dami ng alam niya, alam niya ang dapat, alam niya kung ano ang maganda, alam niya kung ano ang nangyayari, alam niya na may problema ang sanlibutan, alam niya ang kaunting sulusyon na maiaambag niya... ay bakit hindi niya isapraktika ang alam niya at, kahit na kakaiba sa gawain ng iba, kahit na iniisip niyang "hindi siya magsusurvive", ay, why not dare to make a change.
Kasi sayang naman 'yung mga alam niya.
Paborito ko pa rin 'yung prof na 'yun. In fact, paborito niya rin ako. Pero hindi ko masasabing gusto ko siya at ang pagiging propesor niya. At alam niya na ipinost ko siya bilang halimbawa dito sa entry ko na ito. Alam niya yan. Ang sitwasyon kasi niya, ay hindi lang sa kanya nag-aapply.
Sa madaming tao yun. At pwede ring, sa buong mundo. Kaya heto, oo. Galit nga yata ako sa mundo.
Galit ako sa mundo. Siguro galit ako sa mundo kasi fresh at may idealism pa ko. Kailan kaya mawawala 'yun at magiging "matured" ako?